Pages

Saturday, January 21, 2017

Masdan Mo Ang Kapaligiran

Masdan Mo Ang Kapaligiran
Orihinal 
Intro:
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Refrain 1: 
Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit
masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman
Refrain 2:
Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Refrain 3:
Mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan?
Refrain 4: 
Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasandarating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Refrain 5: 
Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Behold the Surroundings
Translation by Darlene Eunice Mordeno
Intro: 
Do you not notice anything around your environment?
The air is now polluted, and so does the rivers
Refrain 1:
Progress is not a bad thing and we have already gone so far
But behold the waters in the sea that was blue but is now black 
The dirt that we scattered around the air, may it not reach the heavens 
So that, when were gone, the fresh air that we wanted, in heaven we'll find
Refrain 2:
I only wish for something, the day I die, I wish it was raining 
I'll bring the guitar with me so we'll sing upon the clouds
Refrain 3: 
The children who were born today
Will they still have fresh air to breathe?
Will they still have trees to climb up to?
Will they still have rivers to swim into?
Refrain 4: 
Why don't we think about what's happening to our environment
Progress is not a bad thing if it isn't a pain to our world
Time will come when the free flying birds have nowhere to perch on 
Behold the trees that was stable before, it's now dying because of our own foolishness
Refrain 5:
All the things in this world are the blessings from our Almighty Maste, even before we are born 
Let's take good care of it and protect it 
Because if He take it from us, we'll all be gone.


Salin ni Darlene Eunice Mordeno sa kantang "Masdan Mo Ang Kapaligiran" ng Asin 

Tuesday, January 17, 2017

To Kill A Mockingbird

Name of the Book: 
To Kill A Mockingbird

Author: 
Harper Lee

Publisher:
J. B Lippincott & Co.

Date of Copyright: 
July 11, 1960

Price: 
$14.99 - $35

Plot: 
To Kill a Mockingbird is one of those books that almost everyone reads at some point in their lives. Whether you've been forced to read it at school, or you've had a look because everyone's been urging you to, etc.

The book is about Atticus Finch, who appears as an unconventional hero and role model due to his morality rather than his physical capabilities. The theme of morals is apparent throughout the whole novel, especially in relation to religion and perception of sin. Take Mrs Dubose, a recovering morphine addict: she vows that she'll die beholden to nothing and nobody. She's pursuing her own dream of being a free human being because she knows deep down that it's right.

For any that don’t know what the book is about, I’m going to describe it briefly, because the beauty of the book is that the reader follows the story with the characters. It’s set in the 1930s, when America was hit by the Great Depression, and filled with prejudice. It’s told in the voice of Scout. Being in the voice of a young girl made a story about such brutal prejudice and discrimination different: it was youthful, it was playful, it was innocent, and to see such innocence corrupted by a genuine sense of reality throughout the novel was one of the most worthwhile parts of the book. Scout has an older brother, Jem, and they live with their father, Atticus: Atticus is a lawyer, and possibly one of my favourite characters of all time. I feel like often writers feel their characters need a defining trait, a fatal flaw: but Atticus was just genuinely a good person. He wasn’t a hero, he wasn’t this macho and masculine protagonist that some books seem to need. He was moral, he was good, he was inspirational, just because he was such a good person. His wisdom gave a sense of continuity throughout the novel, and seeing how his words impacted his children, and how subtly in awe they were of his presence was done with a skill I rarely see in fiction. Atticus Finch is wonderful. He viewed the world in a way that didn’t judge people, and this translated perfectly through the pages of the book.

I would really advise picking up a copy of Harper Lee's magnificent novel and giving it a try. Because whatever happens, it will never stop being a good book, and it will never stop inspiring good people. 





A book review about 'To Kill A Mockingbird' by Darlene Mordeno 

Ben Carson


Noong taong 1987, si Ben Carson ang nanguna sa 70 na miyembro ng surgical team na nagpahiwalay sa conjoined twins na sina Patrich at Benjamin Binder. Ang ulo ng dalawa bata ay magkadikit (craniopagus twins). Ang dalawang batang lalaki ay dumating sa ospital na 'maligalig at masaya' bilang paghahanda sa operasiyon na kanilang gagawin, sinabi noon na ang pitong-buwang kambal ay hindi na makakagapang, makakalakad o makakaikot. Ang surgical team ni John Hopkins ay nagaral tungkol sa gaganaping operasiyon, nagensayo sila gamit ang dalawang manika na magkadikit. Kahit wala masyadong balita sumunod ang kambal sa pagbalik sa Alemanya pitong buwan matapos ang operasyon, ang kambal ang nasabing 'malayo sa pagiging normal' dalawang taon matapos ang operasyon, ang isa ay nasa vegative state o nasa hindi aktibong kondisyon.
"I will never forget this... Why did I have them seperated?" sabi ni Theresia Binder sa isang panayam. Wala sa kambal ang kayang alagaan ang sarili at silang dalawa ay kalaunang itinatag na wards of the state. 
Kahit isa sa kambal ay di-nagawang  makapagsalita o maaslagaan ang sarili. Si Patrick Binder ay namatay noong nakaraang dekada ayon sa kanyang tiyuhin na natagpuan sa Washington Post nung 2015. Ang operasyon ng mga Binder  ay naging pamantayan para sa paghihiwalay ng mga kagaya nitong pag hihiwalay ng kambal, isang pamamaraan na nagawa noong sumunod na mga dekada. Si Carson ay nakisangkot din sa mga sumunod na delikadong operasyon sa mga magkadikit na kambal kasama na ang operasyon noong taong 1997 sa Craniopagus Zambian twins na sila Joseph at Luka Banda na nagresulta sa isang matagumpay na operasyon. Samantala, dalawang kambal ang namatay dahil sa isa na namang operation na nagdulot ng pagkamatay ng isang kambal at pagkabulag ng isa kasabay na din ang kahirapan sa paglalakad.





Sunday, January 15, 2017

Annoyed Annoying Orange

My sister entered my room
And played with my lights
I yelled at her saying "Stop!"
A few days later,
I got bored
So I entered my brother's room
And played with his lights
He screamed so loud that my eardrums was almost broken



Satire poem by Darlene Mordeno

Sunday, January 8, 2017

Di Mo Masilip Ang Langit (1981)

May Akda:
     
     Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway. 
     
     Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center  of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975. Unang nailathala sa Liwayway ang "Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na "Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang isineserye ngayon ng Liwayway. 
     
    Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino section editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances. 
    
     Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

Layunin ng akda:
    
    Ginawa ang akdang 'Di Mo Masilip Ang Langit' upang itama ang pagtrato ng mga taong nakakataas sa mga taong nakabababa.

Tema:
     

     Pinapakita ang hindi wastong pagtrato sa mahihirap.

Tauhan:

Luding- mabait at mapagmahal na asawa
Asawa ni Luding- nakulong dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa kanyang asawa
Mga nars at doctor
Mr. at Mrs. Cajucom




Tagpuan:

Loob ng Kulungan
Pribadong Hospital
Barung-barong


Balangkas ng mga pangyayari:

     Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa malupit na hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.

     Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay si Luding at ang asawa niya na isang preso. Ang kahirapan ang nagtulak sa kaniya para gumawa ng isang pagkakamali.

     Sinunog ng lalaki ang hospital na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Ang hospital na isa siya sa mga gumawa na itinuring niyang isang natatanging obra at isa sa pinakamakahulugang bagay na nagawa niya sa buhay niya. Napabayaan ang kaniyang asawa, na nang dahil sa mahirap lamang ito ay hindi agad inasikaso ng mga nars sa hospital na iyon.

     Isa pa sa diskriminasyong nakapaloob sa akdang ito ay ang pagtanggi ng asawa ni G. Cajucom na tulungang ihatid sa hospital si Luding na noo'y manganganak na anumng minuto. Marahil, sa iniisip niyang siya ang mananagot kapag may nangyaring masama kay Luding, ay inihatid na niya ito sa hospital. Nang makarating na sila sa hospital ay nagmadaling pumunta ang mga nars sa sasakyan ni G. Cajucom ngunit nang makita na si Luding ang bumaba ay isa-isa na silang nagsilayuan.

     Marami sa atin ang humuhusga sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Marami ang mapangmata at mapangmaliit sa mga mahihirap kung kaya't sa huli, marami ang nalulugmok sa kahirapan.

     Isa sa nakatagong tanong dito ay kung saan kumukuha ng pera si Luding gayong ayon sa lalaki, ay wala siyang alam na trabaho at walang "alam". Masasaktan lang siya kung kaniya iyong iisipin.

     Sa mga katulad nila, maaari ngang mawalan sila ng tiwala o pananalig sa langit nang dahil sa mga pinagdaanan nila. Ngunit gayunpaman, hindi dapat tayo mawalan ng pananalig sa Diyos at isipin natin na, "Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali."

Kaisipan:
     

     Ang korupsiyon at perwisyo ay mula sa mga taong nakatataas. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa  pang pagkakamali

Istilo ng Pagkakasulat:

      Istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip kung saan inilahad ng may-akda ang mga pangyayari   sa   kasalukuyan   hanggang   sa   paglalahad  nito   ng   mga   pangyayari   sa   nagdaan   niyang karanasan. Ikinuwento ng may- akda ang dahilan ng pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong

Mga Dulog Pampanitikan:

Moralistiko
     Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Sosyolohikal 

     Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento. 

Sikolohikal 
    Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.

Bisang Pampanitikan:

1.     Bisa sa isip 
“Ang nawala na ay hindi na maibabalik”. Kahit alam na niya na hindi na niya maibabalik ang namatay niyang anak, gumawa parin siya ng kasalanan na sa huli pinagdusaan niya. Gayundin sa pagsusuri sa akdang ito. Hindi talaga pantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan ngunit kailangan parin nating bigyang pansin at pahalagahan ang mga taong nangangailangan ng higit na panguna at pagmamalasakit.

2.     Bisa sa damdamin 
Nakaramdam   ako   ng   pagkalungkot sapagkat hindi man lang siya tinulungan ng mga taong may kakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa.

3. Bisa sa Kaasalan
“Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa  pang pagkakamali”. Sa ginawa  ng tauhan sa akda, alam niyang mali ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ginantihan niya pa ito ng mas mali na kaparaanan. Marapat na idinaan niya ito sa isang legal na pamamaraan.

Ipaliwanag ang Pamagat ng Akda:

     Pinamagatan itong ‘Di mo masilip ang langit’ dahil ang magasawa ay hindi man lang nabigyan ng konting pagmamalasakit o hindi man lang sila inasikaso ng mga doctor at nars kahit sila’y nahihirapan na. Kumbaga, di man lang sila nakalasap ng kaginhawaan o langit dahil sa pagtrato sa kanila.



Isang pagsusuring basa para sa kwento sa 'Di Mo Masilip Ang Langit'



Monday, November 21, 2016

Ang Pagibig

Ibig kong iyong mabatid
Ibig kong iyong malaman
Ibig kong iyong maramdaman
Kung paano kita minamahal 

Mula sa liwanag ng umaga

Hanggang sa pagsilip ng gabi
Umaabot pa sa paglabas ng mga tala
Ako lamang ay kakanta ng harana sa'yong tabi

Kahit isa-isahin ko pa ang mga bituin sa langit

Kahit isa-isahin ko pa ang buhangin sa dagat
Kahit bilangin ko pa ang alikabok sa lupa
Di parin ito makukumpara sa dami ng rason ng aking pagibig sa'yo sinta

Di kayang iparamdam sa'yo gamit ang salita

Di ko rin kayang iparamdam sa'yo gamit ang gawa
Basta't nais ko lamang sayo'ng ipakita
Mahal kita at ikaw lang talaga

Gawa ni Darlene Eunice Mordeno