Pages

Tuesday, January 17, 2017

Ben Carson


Noong taong 1987, si Ben Carson ang nanguna sa 70 na miyembro ng surgical team na nagpahiwalay sa conjoined twins na sina Patrich at Benjamin Binder. Ang ulo ng dalawa bata ay magkadikit (craniopagus twins). Ang dalawang batang lalaki ay dumating sa ospital na 'maligalig at masaya' bilang paghahanda sa operasiyon na kanilang gagawin, sinabi noon na ang pitong-buwang kambal ay hindi na makakagapang, makakalakad o makakaikot. Ang surgical team ni John Hopkins ay nagaral tungkol sa gaganaping operasiyon, nagensayo sila gamit ang dalawang manika na magkadikit. Kahit wala masyadong balita sumunod ang kambal sa pagbalik sa Alemanya pitong buwan matapos ang operasyon, ang kambal ang nasabing 'malayo sa pagiging normal' dalawang taon matapos ang operasyon, ang isa ay nasa vegative state o nasa hindi aktibong kondisyon.
"I will never forget this... Why did I have them seperated?" sabi ni Theresia Binder sa isang panayam. Wala sa kambal ang kayang alagaan ang sarili at silang dalawa ay kalaunang itinatag na wards of the state. 
Kahit isa sa kambal ay di-nagawang  makapagsalita o maaslagaan ang sarili. Si Patrick Binder ay namatay noong nakaraang dekada ayon sa kanyang tiyuhin na natagpuan sa Washington Post nung 2015. Ang operasyon ng mga Binder  ay naging pamantayan para sa paghihiwalay ng mga kagaya nitong pag hihiwalay ng kambal, isang pamamaraan na nagawa noong sumunod na mga dekada. Si Carson ay nakisangkot din sa mga sumunod na delikadong operasyon sa mga magkadikit na kambal kasama na ang operasyon noong taong 1997 sa Craniopagus Zambian twins na sila Joseph at Luka Banda na nagresulta sa isang matagumpay na operasyon. Samantala, dalawang kambal ang namatay dahil sa isa na namang operation na nagdulot ng pagkamatay ng isang kambal at pagkabulag ng isa kasabay na din ang kahirapan sa paglalakad.





No comments:

Post a Comment